Saturday, April 19, 2014

Bakit nga ba tayo nagkaganito?

Ano ba yung mga bagay na nangyayari sa mga relasyon, mga simpleng dahilan na pinagmumulan ng mga gulo at pag away, at minsan nagiging dahilan pa ng away. Ayon sa aking naging mga karanasan ito ang ilang mga factor kung bakit gumuglo ang isang relasyon.

  • MISCOMMUNICATION?
Kawalan ng time sa isat isa? Hmm para sakin hindi naman talaga dapat ito ang dahilan para mag away ang magkarelasyon. Kasi hindi lang naman sa inyong dalawa naikot ang mundo. Kailangan din nya ng time para sa pamilya, kaibigan, studies at sa sarili nya. Wag naman sanang idemand lahat ng oras para sayo lamang na tipong di lang nakareply agad aawayin mo na. Intindihin mo din naman yung kapartner mo. Para naman dun sa other side, sana naman alam nyo ang priorities nyo. Time management. Bigyan nyo sya ng time na kailangan nyo ding dalawa. Wag mo syang sanayin na wala ka nung kailangan ka nya. Wag mong iparamdam sa kanya na single sya dahil hind mo sya mabigyan oras. Mahirap ba yung kahit itext mo sya o ichat o tawagan at sabihing may gagawin ka. Mahirap bang gawin na kahit magkalayo kayo eh maparamdam mo sa kanya na andyan ka parin.  Malungkot at masakit sa puso na maramdamang walang oras sayo ang taong mahal mo. Pakiramdam mo hindi ka na nya mahal kasi hindi ka na nya pinapahalahan. Sobrang sakit nito. Sana alam mo yung mga responsibilidad mo sa karelasyon mo. Mahal ka nya at ginagawa nya ang lahat para maparamdam nya yun sayo. Sana gawin mo din yun sa kanya. Hindi yung makakaalala ka lang pag wala kang ginagawa or bored ka. Kasi abaa kung ganyan lang din naman, nagjowa ka pa kung di mo din naman pala kayang pahalagan, edi magbigti ka na! 
  • MISUNDERSTANDINGS?
Ang mga problema kasama na yan sa rekado ng isang relasyon. Di yan mawawala kahit anong gawin nyo kasi sabi nga walang relasyong perpekto. May mga darating na susubok sa katatagan nyong dalawa at ng relasyon nyo. Nasa sa inyo na lang kung paano nyo yun haharapin. Kung naging positive kayo at hinarap nyo ito ng magkasama , as a result this will make your relationship stronger. Pero kung hinayaan nyo lamang makontrol kayo ng mga problema at pagaaway na yun, syempre hindi magiging maganda ang effect nito sa relasyon nyo. Tip ko lang, kung may mga di kayo pagkakaunawaan, pag usapan nyo. Walang bagay na hindi nadadaan sa pag uusap. Kung may mga misunderstanding kayo at pagaaway, let there be water. Fire mets water. Kung galit yung partner mo huwag mo ng sabayan kasi ang ending nyan magkakasalubong lang ang galit nyo at siguradong lalo lang lalaki. Magpakumbaba hindi dahil ikaw ang may kasalanan kundi dahil mas mahalaga sayo ang relationship nyo kesa sa pride mo.
  • KAWALAN NG TRUST? 
Trust as in tiwala. Sabi nila sa isang taong naloko na noon, hindi love ang mahirap ibalik sa kanila, kundi yung tiwala na nawala matapos ng nangyari. Syempre takot na yan. Takot ng maiwan, masaktan, magago, mapaglaruan at kung ano ano pang katangahang nangyari sa kanya noon. As an effect nawawalan na sya ng tiwala sa lahat ng tao sa paligid nya. He/she push people away. Madalas syang maghinala at magdoubt sa mga sasabihin at gagawin mo. Ang tiwala kasi once masira mahirap na maibalik, minsan never pa. Like second chances. Dahil natatakot ka ng maulit yung nangyari before mahihirapan ka ng sumugal ulit. Ano yung mga nakakasira ng tiwala? Mga kasinungalingan. Ang masakit pa dito eh yung alam mo na ang totoo pero they keep on telling those lies na parang wala lang. Nangyayari to diba? Nakakagago lang. Kahit sabihin pa natin na maliit na bagay yun abaa teka ano ba ang bumubuo sa mga malalaking bagay? Diba maliliit. Para yang eraser, kahit paunti unti mong ginagamit sa huli mauubos din. Like tiwala, sa paunti unti mong pagsisinungaling nababawasan din ang tiwala nya hanggang sa maubos na at wala ng matira. Kung para lang yang eraser na madaling bilhin pag ubos na, edi ayos diba. Pero hindi eh. Sabi nga para din yang papel na pag ginusumot mo, mahirap ng ibalik ulit sa dati. Kaya sa inyo (dito pala dapat yun Haha sorry) "BE TRUSTWORTHY. Big word? No. Big responsobiility." Kaya kayo ingatan nyo ang tiwalang binigay sa inyo ng kapartner nyo. Hindi lang nila kundi lalo na ang tiwalang binigay sa inyo ng parents nyo at mga taong nakapaligid sa inyo.
  • LONG DISTANCE? 
Alam mo mahirap talaga pag LDR o Long Distance Relationship kayo. Sabi nila yan daw ang aklimitang dahilan ng break up ng magpartner. Madami na din akong nakitang relasyon na nasira. Ang masakit neto ay maging yung mga relasyong matagal na ay nasisira. Ang totoo hindi naman talaga yung distansya ang kalaban nyo eh. Ang totoong kalaban nyo ay yung kawalan ng time/communication, pagdududa, di pagkakaunawaan, paranoid, tukso at lungkot. Sobrang mahalaga ang time sa magkarelasyong LDR. Kung hindi nyo man palaging nakikita ang mahal nyo atleast makausap nyo manlang sya para kahit magkalayo kayo mararamdaman nya na parang andyan lang din ikaw sa tabi nya. Sa long distance marami ang posibleng mangyari. Yung iba natutuksong maghanap ng iba na mas malapit sa kanila, siguro dahil nagugulila din sila kaya nagawa mo yun. At yung other side naman, napaparanoid sila kakaisip kasi hindi naman nila nakikita o nalalaman yung ginagawa ng partner nila. Kaya ang tendency nagaaway sila at tuluyang nagbebreak. Ako pinipilit ko sa sarili kong wag magpaapekto sa mga bagay na ito. Pinipilit kong maging mature at isiping kaya namin toh. As long ay matiwala ako at honest sa kanya at relationship namin hindi ako magdududa. Dapat mas malaki ang pagmamahal mo sa kanya kesa sa mga negative thoughts na maiisip mo. Oo mahirap pero kailangan mong piliting kayanin kasi kung papairalin mo lang ang mga pagdududa at kalungkutan mo, wala talagang mangyayaring maganda sa relasyon nyong dalawa. Kailangan mong maging matatag hanggang sa oras na magkasama ulit kayo kasi pagdating ng araw na yun mararamdaman mong worth it lahat ng pag iintay mo. Kahit milya milya ang layo mo sa kanya ipaparamdam mo paring nandito ka lang para sa kanya at walang magbabago sa nararamdaman mo. Kung sakaling sya naman ang matukso at gumawa ng hindi naayon, masasabi mong hindi ka nagkulang sa kanya kasi lahat naman ng pagtatyago ginawa mo para lang magwork ang relationship nyo kahit magkalayo kayo
  • SELOS? 
Sabi nila healthy daw sa relationship ang may selos kasi dun daw mapapatunayan na mahalaga ka sa kapartner mo. Pero sabi naman ng iba masama daw yun kasi para daw wala kang tiwala dun sa kapartner mo. Eh ano ba talaga? Para sakin nagiging masama lang sya kung sobra na. Yung tipong lagi nyo ng napagaawayan. Nilalayo mo sya sa mga babae/lalake na nakakasama nya, kahit na sa kaibigan nya. At ang ending nun nasasakal na sya. Paano kung tamang duda ka lang pala At nagpapakaparanoid lang naman. Mahalaga sa relationship ang trust at loyalty. Magkapartner na yan. Kung mahal mo ang partner mo pagkakatiwalaan mo sya. Kasi minsan the more mo sya pinagdududahan lalo lang silang natutukso na patunayan yun kasi yun ang iniinsist mo sa kanya. Kaya tiwala lang okay? Mahal mo sya kaya maniwala ka sa kanya, sa relasyon nyo at kay God kasi sya ang derector ng buhay natin.

  • MGA TAONG NAKIKISALI?

A. Kaibigang lagi ng nakikisawsaw? For me ang kaibigan eh nandyan para sandalan mo sa oras na nahihirapan ka at nalilito. Minsan mamimisinterpret nila ito kasi maiisip nila na maaalala mo lang sila pagmagkaaway kayo ng boy/girlfriend mo. Minsan kasi ang role nila sa lovelife mo ay talagang bigyan ka ng payo at tulungan ka pag kailangan mo. Pero dun lang dapat yun. Di mo naman obligation na sundin lahat ng sinasabi nila. Bakit? Kasi BUHAY MO YAN. Desisyon mo ang dapat masunod. Kumbaga yung mga sinasabi nila eh survey lang. Pero ang mismong conclusion ay sayo lang manggagaling. Bakit pag ba nagdesisyon ka, sila ba ang maapektuhan? Pag halibawang nasaktan ka at nagkamali ng desisyon. Iiyak din ba sila? Maradamdaman din ba nila lahat ng sakit na mararamdaman mo? Hindi diba? Ikaw lang ang kadalasang makakaramdam ng resulta ng desisyon mo. Hindi mo naman pedeng isisi sa kanila na sinunod mo lang naman ang payo nila eh. Kasi para lang yang Zodiac Sign. Ang mga "kaibigan" mo ay gabay lang. Meron tayong free will gamitin natin toh.


B. Girl/Boy Bestfriend? Masarap at masaya magkaroon ng boy/girl bestftiend. Pero dapat may limitation din. Kasi minsan yung ginagawa nyong dalawa ng bestfriend mo ay hindi na maganda ang dating lalo na sa kapartner mo. Ang bestfriend kasi, dun mo nagagawa o napapakita yung tunay na ikaw and sometimes sweet things. Okay lang naman yun. Pero yun nga may limits. Basta alam nyo yung ibang bagay na hindi magandang tignan lalo na pag may boy/girlfriend ka kasi dapat sakanya mo yun ginagawa. At kung sakaling napag awayan nyo na ito at hindi na maganda ang nagiging epekto, better to do is yung bestfriend na ang umiwas. Kasi kahit sabihin mong mas nauna ka nyang nakilala o dumating sa buhay nya eh andun parin yung point na BESTFRIEND KA LANG. SYA ANG GIRL/BOYFRIEND. Mas obligasyon na ng kapartner nya yun. No offensement bestfriend. Andyan ka lang dapat para magback up, hindi kunin yung role ng B/GF bilang kapartner nya. You supposed to be a Best FRIEND. Not a 3rd wheel.


C. EX's? UNA, para dun sa EX na nakikisawsaw pa.. Kung alam mong mahal mo sya at MAHAL KA DIN NYA, then go. Ipaglaban mo. Hindi masamang ipaglaban ang isang bagay na alam mo namang may karapatan ka pa. Malay mo eto talaga yung lovestory mo. Naniniwala din naman akong ang love ay dapat pinaglalaban. Kung may chance pa na magbalikan kayo edi grab mo. Pero wag na wag kang mananakit ng tao dahil alam kong alam mo ang pakiramdam ng masaktan at mawalan ng taong mahal. Ganun din ang mararamdaman ng taong "aagawan" mo. Kung gusto mo talagang ipush yang past nyo edi go. Hindi ako kontra sa mga taong naniniwala sa second chance kasi kahit ako naniniwala din dun. Pero kung ang situation mo naman ay mahal mo sya pero HINDI KA NA NYA MAHAL at eto ka pilit paring makikigulo sa lovestory ng iba, ay dyan tayo magkakatalo! Ayoko sa mga taong sumusira sa relasyon ng iba dahil lang sa pansarili nilang kagustuhan. Alam mo namang wala ng patutunguhan diba. May mahal na syang iba. Uso magmove on!  Madami pa namang lalaki/babae sa mundo eh. Sabi  nga nila, huwag mong habulin ang isang taong umalis sa buhay mo. Para lang yang tren, pag may umalis siguradong may susunod pa. Kung inilayo sya sayo ni God ibigsabihin may taong darating na mas better pa sa kanya at sya ang masasabi mong makakasama mo habang buhay. Hindi mo kailangang ipagsiksikan ang sarili mo kasi merong taong nandyan na tatanggapin ka. Hintayin mo lang. PANGALAWA, para naman sa taong nasa relasyon na inlove parin sa ex nya. GAGO ka ba? Bakit ka pumasok sa relasyon kung alam mo namang mahal mo pa yung ex mo? Ano toh Rebound?! Sobrang mali yan. Akala mo ikaw lang ang nahihirapan? Hindi kasi lalo mo alng ginagawang komplikado ang mga bagay kasi habang ikaw nailito kung sino ba talaga ang mahal mo may taong kang napapaasa ng hindi sinsadya. May tao kang nasasaktan at yun ay yung karelasyon mo. Pinagmumukha mo syang tanga. Kasi sa halip na mahanap nya yung talagang para sa kanya na siguradong sya lang ang mahal, andyan sya sayo. Umaasa na sya lang talaga ang mahal mo pero hindi naman pala. Wag ka naman sanang gago Make up your mind dude.

Monday, April 14, 2014

My heart starts beating



Dug...........Dug...........Dug...........Dug...........Dug...........Dug...........Dug
Normal Heart Beat 









Until you came in 
Dug..Dug..Dug..Dug..Dug..Dug..Dug..Dug..Dug..Dug..Dug..Dug..Dug..Dug..

















Chapter 1: First Heart Beat Broken.

Paano ako magmahal? Simple lang. Ako yung taong naniniwala sa MAGIC, DESTINY, SIGNS, FOREVER, TRUE LOVE at kung ano ano pang kabaduyan. Naniniwala ako na one day may darating at papatunayan sakin na ng lahat ng ito ay totoo.

Dahil na din siguro sa mga teleserye na napapanood ko sa TV kaya lalong tumaas ang expectations ko sa buhay. Kaya ayun I search for it. I search for my own lovestory May mag taong dumating, pero hindi pa sila eh. So ayun, Trial and Error. Hanggang sa isang araw, may lalaking biglang dumating sa buhay ko. Nakilala o sya at di nagtagal nagustuhan ko sya. Crush ko nga sya eh. Nasa kanya lahat ng qualitites na gusto ko sa lalake. Crush ko sya simula nung makilala ko sya. Tuwing makikita ko sya tumitigil ang mundo ko. Yung tipong parang kami lang dalawa ang nandun sa moment na yun. My first heart beat for a guy. Ang sarap sa feeling. The Chase stage. Mahaba habang paligoy ligoy, pero sa huli nagkatagpo kami at di nagtagal naging kami din. Ang dami kong hinarap at kinalaban just to keep our relationship. Pero ang hirap pala noh kung ikaw lang naman ang laging nagawa ng paraan. Pero sige okay lang basta nasa akin sya wala ng mas mahalaga pa dun. Dahil mahal kita gagawin ko lahat. I WONT GIVE UP nga diba. Akala ko magwowork out kami kahit ganun kasi ang alam ko mahal ko sya, at mahal nya ako. Pero mali pala ako. Mahal ko nga sya, mahal nya ako, mahal din nya yung babaeng yun?! Ayy may kabit pala ang pota?!

Bakit? Saan ba ako nagkulang? Ginawa ko naman lahat ah. Inintindi kita. Tinanggap ko lahat. I was there when no one was. Mas naniwala ako sayo kesa sa mga sinasabi nila. Hinarap ko lahat ng mga naninira sating relasyon. Handa na nga akong ipakilala ka sa mga magulang ko. Bakit nagawa mo parin sakin yun? Bakit? 

Nakipaghiwalay ako kasi akala ko hahabulin nya ako.. Gusto kong magpaliwanag sya sakin.. Sabihin nya lang na wag kong gawin toh at hindi ko gagawin.. Sabihin nya lang na mahal nya pa rin ako..

Pero wala. Wala syang ginawa. Hinayaan nya lang akong mawala.

At ayun, ako namang si TANGA nagpadala sa emosyon ko at nakipaghiwalay nga ako. Naiinis ako hindi dahil ako ang nakipaghiwalay, kundi dahil kung kelan naman JS Prom saka ako nakipagbreak. Edi yun wala akong nakadate. Usapan pa naman namin sya ang first at last dance ko. Eh ayun nga, wala na. Edi ako tuloy ang nganga! Sya? Ayun kasama yung pinalit sa akin. Nak ng toknene naman oh!! Di na nahiya!! 2 days pa lang kaming nagbreak ha? Respeto naman dyan! Harap harapan eh!! TANG INA LANG! At ayun buong gabi naman akong umiyak sa JS Prom na iyun. Magagawa ko?

" Ako naman ang may gust nito diba, pero bakit ang sakit sakit!" (One More Chance)

Yung mga kaklase at mga kaibigan ko sinasayaw ako. Pero habang nagsasayaw kami, nakatingin parin ako sa gago kong Boyfriend este EX Boyfriend at sa walang hiyang babaeng yun! Kinakausap ako ng mga kasayaw ko pero di ko sila pinapasin. Dun lang ako nakatingin habang parang tangang naiyak. Nilalayo pa nga nila ako pero wala eh. Magnet na dun yung puso, este mata ko. Teka akala ko ba JS Prom toh. After valentines toh kaya dapat puro nakakainlove dapat ang pinapatugtog, pero hindi. Nakikisama yata saken ang tadhana. Puro pangbroken ang kanta eh. Ano toh pinag eemote nyo talaga ako?! Bago matapos ang gabing yun, enexpect ko na kakausapin nya ako. Pero wala, miski nga lapitan di nagawa eh. PUTANGINA LANG.

Pagkatapos ng gabing yun ang dami kong neregret. Bakit kasi nun pa ako nakipagbreak. Bakit di ko na lang sya kinausap. May karapatan naman akong magalit eh. Bakit di ako humingi ng explanation. Bakit hinayaan ko lang syang makuha eh kayang kaya ko naman syang ipaglaban. GAGA DIN AKO EH. Haay pero mukhang end of the story na nag naming dalawa. Malabo nang bumalik sya sakin. Naging sila nung babaeng yun. Pero kahit ganun, tinry ko paring maging kaibigan para sa kanya. Nilalapitan nya ako pag may problema sya. Makati din yung babaeng yun eh. Eto naman ako, Nakikinig sa mga kwento mong paulit ulit lang. Nakikinig kahit nasasaktan.. kung ako na lang sana ang yung minahal.. Hayy. Pero ayun sabi nga nila, madaling mahulog sa taong laging nandyan paras sayo. Kaya SUCCESS ako! Naging kami ulit. Akala ko naman magiging ayos na lahat. Pero hindi. Nagloko parin sya. And this time... 

AYOKO NA. SUKO NA AKO. I HAD ENOUGH.

"Thank you for setting me free.."

Yan lang ang nasabi ko sa kanya nung nakipagbrek ulit sya sakin.

Pinilit kong magmove on. Pero mahirap e. Nasaktan ako ng sobra. Dalawang beses ka ba namang gaguhin eh. Sabi nga nila, PAIN MAKES PEOPLE CHANGE. Tunay pala talaga yun. Ako? Naging BITCH ako. May mga dinate ako at naging boyfriend, pero hindi ko sila minahal. Rebound lang kumbaga. Pampalipas oras. Mapakita ko lang sa gago kong ex na kaya ko syang palitan bilang boyfriend ko, pero hindi pa pala sa dito sa puso ko. Yung mga dinate ko ayun.. Once I get bored at them, goodbye will automatically follow. The game is over. Ang dami kong nasaktan. Hindi naman ako ganun kabato kaya I felt sorry for them, nadamay pa sila sa revenge ko. Sa kabila ng lahat ng ginawa ko wala parin akong napala..

How can I unlove you?













Let me begin



Hi.
Ako nga pala si
Ms.Happiness
ang obviously this blog belongs to me.

Information about me?
Ngayon ako ay in coming 3rd year college sa De La Salle Lipa
Gitna at only girl sa tatlong magkakapatid.
Ang nanay ko, housewife. Ang tatay ko police.

What makes me happy?
FOOD
FRIENDS
TWITTER
FACEBOOK
PHOTOGRAPHY

and syempre ang laman ng puso ko

MY BOYFRIEND.

This blog contains all of it.
(Soon maiishare ko din sila sa inyo)

Out of boredom ngayong summer, 2014 napag isip isip kong gumawa ng blog.
 Hindi ako magaling sa mga ganito. In fact before nagtry akong gumawa ng story sa wattpad  
kaso I always end up deleting it.
Bakit?
 Kasi tinatamad nako, I'm out of idea o di kaya  naman 
nakalimutan ko ng may ginagawa pala akong ganun.

Pero sana this time magtuloy tuloy na.
Di ko na naman siguro ako mahihirapan dito kasi hindi ko na kailangang mag isip ng fantasy
para mapaganda ang mag ilalagay ko dito.
This is the story of my life.
Nandito ang mga nilalaman ng puso ko.
This is my ONLINE DIARY.

Kung mabasa mo man toh, di kita pipigilan.
You're free to laugh, comrnent, corrrect my grammars and spelling
(Kasi siguradong marami akong error, Typo Queen ako eh -________-)
Pero sana maappreciate mo to kung mabasa mo man.
At kahit papano may makuha ka manlang idea at lesson sa akin.

So ayan. Brief introduction is done.
Enjoy my blog :)